-
Malapit na matapos ang taon…
Kaya naman gusto ko lubus-lubusin ang mga nalalabing araw. Gusto kong maging masaya mga huling araw ng taong ito, para naman masabi ko na naging masaya ako sa taong ito. Sa totoo lang, naging masaya naman ako. Marami akong natutunan. Ilang beses nabigo, nasaktan, nanghinayang, nagkamali, pero ayos lang dahil higit sa dami ng beses na nangyari ‘yun ang mga panahong tumawa ako, humalakhak, ngumiti, umiyak dahil sa tuwa. At sa bawat kabiguang naranasan ko, isang aral naman ang napupulot ko, na siyang tumutulong para maging mas mabuting tao. Kaya ‘yun, masaya ako ngayon. \:D/ At masaya man ako ngayon, alam ko na magiging mas masaya ‘yung susunod na taon. Sana. :))