1. weee!

    Haha, ewan, masaya lang ako. Yata. Basta. :))

    Ganito kasi, kagabi, ewan ko kung anong nakain ko o nainom, siguro nalango sa apple iced tea o naadik sa Stik-o, pero paggising ko kaning umaga, bigla na lang ako napaisip:

    Pusang galang problema ‘to, wala namang silbi. Asa namang uunlad Pilipinas kung magmukmok ako habangbuhay. Ayos sana kung sa lumbay ko’y madiskubre ko katagu-tagong treasure ni Yamashita, o kahit winning combination man lang sa lotto.

    Pero hindi eh. Kaya ayun, ‘yung putang ina ng anak mong problema, sinantabi ko lang. Tapos ang sarap ng pakiramdam, para akong lumulutang. Walang problema, walang pabigat, walang epal na nagpapakuba sa’kin.

    Tara, party tayo habang ine-enjoy ko ‘tong mood na ‘to (huwag mo dalhin problema mo sa party). Tara, may isang pitchel akong iced tea dito at isang lalagyan ng Stik-o.

    3 months ago  /  Notes