1. 2 seconds of infinity.

    Ang sarap ng feeling, putek. Alam mo ‘yung ride sa themed parks kung saan tataas ka then biglang hulog (‘yung sa zombieland, kung saan na-stuck si emma stone at ‘yung bata tapos niligtas sila ni mark zuckerberg guy)? Ayun. Ang sarap sumakay sa ganun. Nakakakaba habang umaakyat, pero pagdating mo dun sa taas, ang ganda ng tanawin. Tapos ‘pag biglang bumagsak na, ang sarap ng feeling. Hindi ka makasigaw, pero hindi ‘yung tipong nasasakal ka at feeling mo wala kang magawa. Siya ‘yung masarap na feeling kung saan hindi ka makasigaw. Tapos, habang nahuhulog ka, ang sarap ng feeling. Naka-strap ka sa upuan, pero maiiwan ka pa rin sa ere kahit papaano. Ang sarap, shet. Pakiramdam mo, lumulutang ka talaga, tapos lahat ng problema sa mundo ay wala nang kuwenta. Kahit sobrang ikli lang nun, mga dalawang segundo, kakaiba pa rin siya, kasi pakiramdam mo, wala siyang hanggan.

    3 months ago  /  Notes